Actually, I shouldn't be complaining. I am having a relatively easy pregnancy, I think. Ang ayoko lang ngayon eh mukha akong butete pag nakatagilid! Ang weird tignan. My check-up last week showed that everything is ok, but me being so paranoid, I'm worried because I couldn't feel the baby kick and I'm already on my 18th week.
And right now I have such weird cravings, I've become a magician in the kitchen. Ang dami kong cravings, late ata akong naglihi. Nung umpisa hindi ako makapag-luto kasi di ko ma-take yung amoy. Ngayon naman luto ako ng luto, Kanina nagluto ako ng miso soup with tempura kasi ang tagal ko nang nag-ke-crave nun! Ang maganda lang nito eh may listahan ako sa pridyider ng mga gusto kong kainin, kaya nakaplano na ang kakainin namin a few days before. Time saving. Napabili ako tuloy ng fishballs ng hindi oras kasi bigla kong na-miss yung mga fishball na nabibili sa Paseo de Roxas. Bukas naman Guinataang Mais. Tapos take two ng cuchinta. Gumawa ako ng cuchinta nung isang araw ang labas pitsi-pitsi, uulitin ko kasi yung pinaka-huling batch mukhang cuchinta na. Ang hirap kasi sa Erfurt pipito lang kaming Pinay, kaya lahat ng lutong Pinoy sariling sikap.
Ang masaklap yung German foods na favorite ko hindi ko makain. Tulad ng smoked salmon. Iwas din ako sa soft cheese pag hindi pasteurized. Ilang din akong kainin ang blue cheese. Hindi rin ako makakain ng sushi kasi bawal ang raw food. Kaya guess what I've been wanting to eat these past few months? Haay, pag nanganak ako ang una kong kakainin ay sushi! Naku, sabi pa naman ni Mama huwag daw akong kumain ng kumain kasi mahirap manganak kapag lumobo yung tiyan ko ng husto. Eh ano namang magagawa ko kung ang laman ng utak ko sa araw at gabi eh yung kakainin ko sa mga susunod na araw? Normal ba ito?
In lust with life!
Monday, May 25, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment