Sa Aking Mga Kabata
Kapagka ang baya'y sadyang umiibig
Sa kanyang salitang kaloob ng langit,
Sanglang kalayaan nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa himpapawid.
Pagka't ang salita'y isang kahatulan
Sa bayan, sa nayo't mga kaharian,
At ang isang tao'y katulad, kabagay
Ng alin mang likha noong kalayaan.
Ang hindi magmahal sa kanyang salita
Mahigit sa hayop at malansang isda,
Kaya ang marapat pagyamaning kusa
Na tulad sa inang tunay na nagpala.
Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin
Sa Ingles, Kastila at salitang anghel,
Sapagka't ang Poong maalam tumingin
Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.
Ang salita nati'y huwad din sa iba
Na may alfabeto at sariling letra,
Na kaya nawala'y dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una.
Nakakalungkot isipin na sa mata ng aking mga kababayan, mas nakahihigit ang Ingles kaysa sa Tagalog. Ako ma'y pinalaki sa wikang Ingles, hindi ko masusuklian ang mga guro , mapa-Ingles o Tagalog, na nagturo sa amin ng baybaying wika. Isang taos-pusong salamat lamang ang aking masasabi.
Kahit pa noong nasa Pilipinas pa ako, hindi ako mag-iingles kung hindi naman ako kinakausap ng ingles. Kung Tagalog ang usapan, matatas din naman akong mag-Tagalog, hindi naman ako mag-Ingles hangga't hindi sa akin ikinusa.
Nakakatawang isipin na nuong ako'y bata, pinagtawanan ako ng aking mga ka-klase dahil sa tatas kong mag-Ingles. Ngayon, dahil sa mga call center, pilit nilang ginagaya kung ano ang dati nilang pinagtatawanan. Pilit nilang ginagaya ang salita ng mga dayuhan nguni't katawatawa minsan ang resulta nito.
Dahil sa aking trabaho bilang guro, naiintindihan ko na mayroong mga taong hirap sa ibang lengguahe. May kanya-kanya tayong mga talento. May mga taong pinalaki lamang sa iisang wika, at kung minsan hanggang doon lang talaga ang kaya nila. Pero nakakalungkot isipin na may mga taong nagsasabing hindi nila kayang sabihin ang kanilang saloobin sa kanilang inang wika, at pilit na pinipilipit nila ang kanilang mga dila sa isang wikang dayuhan. Isang biyaya ang pagkakaroon ng isang bansang may dalawang wika. Bawat wika ay isang pintuan sa isang mundo, at posibilidad. Kaya't hirap man, pilit kong inusisa ang wikang Aleman. Ang salitang Ingles ay hindi nakahihigit sa salita natin, ang wika ng ating mga ninuno.
Kung magsusulat o magsasalita rin lamang kayo sa dalawang wika, pag-igihan ninyo ang baybayin sa dalawa. Alam niyo ba na ang wikang Tagalog ang isa pinaka-mahirap na matutunan sa Indo-Malayan group of Languages?
In lust with life!
Thursday, December 06, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment