Pasensya na kung Tagalugin ko yung post na ito. Mahirap na, baka mabasa ng mga Aleman! Alam kong binabasa ako ng pinsan ni Thomas! Rant lang ako ng konti dito sa blog ko ha, pasensya na.
Hay, naku, wish ko lang makapag-ipon na kami ng pera para maka-alis na kami dito. Don't get me wrong, magkasundo kami ng biyenan kong hilaw, pero minsan di ko siya ma-take na kasama sa bahay. Kaka-graduate lang ni Thomas nitong March, kaya ayun, dito kami pareho sa Jena naka-tengga. May trabaho na siya, kaso laging nau-urong yung starting date ng trabaho, freelance consultancy firm ang pinasok niya eh.
Kaso nga lang, parang aso at pusa magaway ang mag-ina. Daig pa ang mag-asawa! Kaugali kasi ni Thomas yun ex niya. Si Barbara, pagdating sa akin, very patient. Hindi ko alam kung bakit. Kasi foreigner ako? Kasi lagi ko siyang sinusunod kahit alam kong wala siya sa katwiran? Kasi ako yun taga-linis at taga-laba at taga-luto sa mga araw na depressed siya?
Ako naman, diskarteng close. Ngiti lang, minsan kahit inis na. Kailangang pakisamahan eh. Magiging biyenan ko din yan someday. Namana ni Thomas yung ugaling nagmamarunong lagi sa Nanay niya, alam ko yun. Ugali ng ex + pagmamarunong=recipe for disaster!
Nakatambak noong Sunday yung mga gamit ni Thomas from Deggendorf sa home-office niya, hindi naman ginagamit yung opisina. Alisin daw, so inalis. May isang rung sa shelf na walang laman, so naglagay siya ng bag doon.
Ito namang si Barb, nagfreak-out! Alisin daw yung gamit niya, opisina daw niya yun. Ayaw alisin ni Thomas. Ano ba naman yung iisang part ng shelf, di ba? Tapos ayan na, as in she went apeshit. Talagang namula sa galit! Iyak ng iyak sa inis. Ewan ko ba, menopause lang kaya 'to? Tapos nun, sorry ng sorry, sabay halik sa amin. Eh hello di naman ako kasama sa away.
Yan lang ang latest sa mga kaganapan sa bahay. Basta ako, ewan, parang pahirap na pahirap para sa akin na pakisamahan siya. Sabi niya, aalis daw siya papuntang Greece o Spain for the month. Di naman umalis. Haay basta sabi ko sa kanya alis na kami dito by the end of the month. Sana kumita ako ng more than 800 euros this month para makapag-rent kami ng bahay.
Hay naku, nahahawa na yata ako sa negativity niya at ang vibe ng bahay niya. I know that I have to get away from here as soon as possible.
In lust with life!
Friday, March 09, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment